thank you for your response!

good news!

        Hinihimok po namin lahat ng mga magulang at mga mag-aaral ng Imus National High School na may cellphone, tablet o kaya'y laptop po sa kanilang bahay na makiisa sa paggamit po ng DepEd Commons. Ang DepEd Commons po ay isang Online Learning at libre po ito walang data charge mapa GLOBE, SMART,TM at SUN ay pwede ng makapag-access. Ito po ang naisip na paraan ng DepEd para patuloy ang pagkatuto habang tayo ay nasa ECQ. Mayroon din po siyang laro/puzzle. Kaya inaanyayahan po namin kayo na samantalahin ang napaka alternatibong sistema na handog ng Deped para sa ating mga anak habang nasa ECQ.

PAANO ANG PAGPUNTA SA DepEd Commons:

Step 1: Pumunta sa Google Chrome o anumang web browser
Step 2: I-type/Search commons.deped.gov.ph
Step 3: I-type ang ating School ID: 301196 (sa select School at lalabas po ang Imus National High School)
Step 4: I-type ang pangalan
Step 5: Email Address (Ito ay Optional, pwedeng hindi na po maglagay ng Email Address)
Step 6: Mamili ng Grade na naaayon sa inyo
Step 7: Mamili ng Subject na nais ninyong buksan
Step 8: Maaari na pong magsagot( may mga tanong po na lalabas at sa bawat tanong po ay may kaukulang score.

#SulongEdukalidad   

#LearnAtHome     

#HappytoServe       

#StayHome       

#StaySafe