IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
Itinalaga ng Imus City ang Imus National High School (INHS) bilang kauna-unahang Junior High School sa lungsod na paglulunsaran ng E-Learning Support Program ng lokal na pamahalaan.
Sa inisyatibo ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi, ilulunsad ang E-Learning sa INHS bilang tugon at suporta ng LGU sa Department of Education ng Imus City sa panahon ng New Normal.
Bilang paghahanda sa launching ng E-Learning Support Program ng Imus City, nagsagawa ng Occular Assessment at Preparation ang Converge ICT Solution Inc.sa INHS sa gayon makita at mapaghandaan ang laki at lawak ng pangangailangan ng paaralan para sa internet stability nito.
Ayon kay Jose Fabellar Jr, Project Manager ng Converge ICT Solution Inc., magkakaroon ng Free internet installation at wifi access paaralan sang-ayon sa kasunduan ng kompanya at ng LGU ng Imus City.
Sinuri at inaral ni Sarah Jane Calaunan, System Engineer ng Converge ICT Solution Inc., ang mga silid at gusali ng paaralan upang makita kung ano ang magiging sistema ng kanilang ilalagay ng internet at wifi sa INHS.
Dahil sa hakbang na ginawa ni Mayor Maliksi, lalong tumaas ang pag-asa at kumpyansa ni G. Arturo P. Rosaroso Jr, punongguro ng INHS na magkakaroon ng katuparan ang pagbubukas ng higit na maayos na Virtual Classes sa paaralan.
“Malaki ang pasasalamat ko kay Mayor Maliksi, dahil lagi niya isinasaaalng-alang ang kabutihan at pag-unlad ng mga Batang Imuseño. Excited ako at ang buong Imus National High School dahil isa namang breakthrough ito sa kasaysayan ng paaralan,” pahayag ni G. Rosaroso.
Inaasahan na maabot din ng E- Learning Support Program ang iba paaralan sa dibisyon ng Imus.
Malaking tulong ang programang ito sa mga guro lalo na sa mga magulang at mga mag-aaral ana naglalayong sumulong ang edukasyon kabila ng hamon pandemya.
E-Learning ng Imus City, aarangkada sa INHS
LGU, Converge nag-sanib pwersa
Agosto 6, 2020
​
Ryanlee V. Gonzalvo