top of page

Automated election ng SSG, isinagawa

September 16, 2022

​

Dennis Jay G. Gumboc

     Inumpisahan na ngayong araw ang kauna-unahang automated election ng Supreme Student Government ng Imus National High School.

     Sa pangunguna nina Bb. Grace Sil Lagdamat, SSG Adviser at G. Paulo Herrera Co-Adviser at sa pagtutulungan ng AP at ICT teachers katuwang ang mga miyembro ng ELECOM, isinagawa ang automated election na naglalayong pabilisin ang pagbilang ng mga boto para sa mga susunod na pamunuan ng SSG.

     Ayon kay Bb. Lagdamat, naging maayos ang takbo ng eleksyon ngayong araw lalo na at nakikipagtulungan ang ICT Department upang higit na mapabilis ang sistema ng halalan ng SSG.

     "SSG elections 2022 runs smoothly. May konting glitch pero that is okay for the first timer to use automated election. The admin, the teachers and the staff of the school are very supportive. Lalong lalo na ang ICT department, kasi sa ICT laboratory ginanap ang aming 2022 SSG automated election," pahayag ni Bb. Lagdamat.

     Sa bagong sistema ng botohan, ginagamitan na ng computer at real-time na rin na binabato ang resulta nito dahilan upang makita agad ang resulta ng eleksyon.

     Isasagawa ang eleksyon mula Setyembre 14-19 sa Computer Laboratory 1 at 2 at inaasahang malalaman na ang resulta sa Lunes, Setyembre 19, 2022.

bottom of page