IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
INHS nakiisa sa Q1 Nat’l Simultaneous Earthquake Drill
March 10, 2022
Dennis Jay G. Gumboc
Suot ang mga hard hats at protective gear, sabay-sabay na nagtungo sa ligtas na bahagi ng paaralan ang mga mag-aaral, guro at kawani ng Imus National High school bilang pakikiisa sa pagsasagawa ng First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill.
Pinamunuan ni Bb. Sharon De Palma, SDRRM Focal Person, ang isinagawang pagsasanay sa kahandaan sa pagdating ng lindol.
Dagdag pa rito, siniguro rin ng INHS na masusunod ang mga itinakdang alituntunin sa pagsusuot ng face mask at physical distancing bilang proteksyon sa COVID at pagsunod ng IATF health protocols.
Sa kabilang banda, inilahad naman ng Junior Polaris ang iba't-ibang impormasyon na makakatulong sa kanilang kapwa mag-aaral upang lubos na maunaawan ang kahalagahan ng nasabing earthquake drill.
Samantala, napapanuod naman ang isinagawang drill sa pamamagitan ng virtual live streaming sa official facebook page at YouTube ng INHS.
Matatandaan na ang Imus National High School ay ginawaran noong 2019 bilang 3rd placer sa naganap na National Gawad Kalasag Awarding bilang pagkilala sa mga ipinatutupad na programang pangkaligtasan sa paaralan. -Dennis Jay G. Gumboc